Laging sumasakit ang ulo? by Dr Winnie Lim Khoo
Karaniwang nakakaramdam ang isang tao ng sakit sa ulo. Halos lahat ng tao sa mundo as nakakaramdam ng sakit na ito. huwag mangamba, karamihan ng sakit ng ulo ay hindi delikado.
Ang stress sa katawan ay karaniwang sanhi ng pananakit ng ulo. Ang muscles ay naninikip tuwing may tensyon or stress sa katawan kung kaya sumasakit ang ulo. Maari muna kayong magpahinga or umidlip upang maginhawaang sa sakit ng ulo.
Ang mga taong may problema sa mata ay maaring magdulot ng sakit ng ulo. Ito ang malulunasan sa gamot or pagsuot ng salamin.
Ang pagbabago ng panahon ay isang sanhi sa maraming tao kung bakit nakakaranas ng pananakit ng ulo. Ito ay normal sa isang tao; kinakailangan lamang mag-adjust ang katawan ng tao or maari uminom ng gamot upang malunasan.
Ang pananakit ng ulo ay maraming sanhi. Ang magandang balita ay ang kondisyon na ito ay maaring mapagaling ng tamang paginom ng gamot. Hindi ninyo kailangan maghirap sa sakit ng ulo; bumisita na sa isang espesyalista or “Headache Specialist”. Ang neurologist as isang doktor ng masusing pinagaralan ang mga sakit sa ulo. Maari kayong bumisita sa isang neurologist upang kayo ay magabayan at matulungan. #neurologist #headache #migraine #pain #neurologistinmanila #neurologistphilippines #winnielimkhoo #health #tips #cure #treatment #medicine #healthtips